Wednesday, February 6, 2008

ANG PAWIS

Tinahak ang marumi mong katawan
Dinilaan kahit mga sulok na may kailaliman
Gapang ko sa silangan o kanluran
Papatak na lang ang pawis sa kung saan-saan.
Nanghihina’t nanginginig taong kinakapitan
Alat ko ba’y di mo makayanan?
Pag-inom, ginhawa’y naramdaman
Bakit nga ba, ako’y papalitan?


-- Paul Jasper R. Zipagan

1 comment:

Tristan said...

maganda ung depiction mo ng pagpakita nnug pawis sa isang taong pagod na sa kakatrabaho sa isang maduming paligid. ngunit, mejo namislead ako dahil nung una'y first person ang ginamit mo sa paggalaw nung pawis sa katawan nung tao, pagkatapos ng ilang mga linya'y biglang naging 3rd person yung dating dahil binaggit mo na yung pawis.although maganda ung illustrations ng paggalaw sa katawan at nagandahan ako dun sa contrast ng alat at pag pakita ng panginginig (hehe, mejo natawa ako dun) mejo nawala ulit ako nang pumunta yung focus sa paginom ng tubig. hehe. pero overall ang galing nung tula. kudos!

-Tristan Josef R. Torres
Fil20C