Masdan niyo ang dahon ko: matulis, malapad, mahaba,
Animo’y espada, nguni’t manakot ay ‘di man lang kaya.
Ako’y kakaibang halaman dahil sa pambihirang kulay,
Purong luntian ang ibabaw; sa ilalim purong lila naman.
Pandak lamang ako, marahil ‘di na tataas pa sa tuhod mo.
‘Ni hindi man lang kakitaan ng bulaklak na mababango.
Subali’t halamang ornamental pa rin ang aking saysay,
Higit pa ro’n, ako’y pangunahing espesimen sa BioSci!
-- Criselda B. Castor
Wednesday, February 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment