Wednesday, February 6, 2008

BELO ESSENTIALS WITH DERMLIGHT SKIN SYSTEM BODY BAR

Malabato mo akong pakawalan mula sa pagkakakahon
Dinurog na Jasminium namnamin sa aking pag- ahon
Seda’y damhin sa marahang pagdampi
Papawiin ko ang dibuhong sakdal gaspang at dumi

Kakambal ko ang tubig dito sa paglalakbay
Ibubuga ang kumpol ng sagong sa hangi’y sasabay
Araw- arawin itong pagdadaupan
Bukas, makalawa’y lusaw na ‘kong dadatnan


-- Joald Calpo

2 comments:

Unknown said...

Pamagat pa lamang ng tula niya ay malakas na ang dating upang mapansin ng mga mambabasa. Iisipin mo na contemporary ang porma ng tula dahil sa pamagat pero mukhang hindi ganito ang ipinakita nito. Malamang may dahilan ang may akda sa paggamit ng ganitong pamamaraan. Nagustuhan ko ang tula dahil sa pinakita nitong mga imahe sa paggamit ng sabong panligo, sa pagbula nito, sa mabangong amoy at iba pa.;) At siguro ay may dahilan din kung bakit sa dinami- dami ng sabong panligo ay ang belo essentials ang ginamit ng may- akda. Sa opinyon ko ay malamang dahil sa ito ngayon ang mas kilala sa merkado o ito ang gamit niya. hehehe;)



*leonna frances r. alvina*
section c

Jaded said...

Nakakatuwa kasi hindi mo aakalain na pwedeng gamitin sa tula ang mga produkto! Hehe. Talagang nakuha niya ang atensyon ko. Maganda at makata ng deskripsyon ng ginawa ng may-akda sa pag-gamit ng sabon na ito. Nakakatuwa dahil hindi lamang ang pagpromote ng produkto ang ginagawa nito kundi ang pagbibigay ng kulay sa paggamit ng mga bagay. Nagustuhan ko ang tula at mas magugustuhan ko siya kung nasalamin nito ang realidad at tunay na problemang kinakaharap natin.. Mabuhay ang Belo Essential Soap! Haha!




john david comandante
section c