Wednesday, February 6, 2008

DIARRHEA

Ako ang kilig
na nagpapatindig ng balahibo,
ang damdaming
nagpapangimay ng laman
at nagpapabuhol ng bituka.
Ako ang dahilan
ng pagpapawis ng kili-kili
sa kabila ng malamig na hangin ng Nobyembre.


-- Roderica L. Banez

1 comment: