Wednesday, February 6, 2008

GATAS AT KAPE

Sa isang tasa umiikot ang buhay
Ako na isang kape do'n nagkasaysay
Asukal at tubig ang aking kasama
Sa lasang tamang-tama ang timpla.

Isang araw na 'di ko inaasahan
Aking tagatimpla ako'y dinagdagan
Naging makrema dahil sayo, o gatas
At naghatid ng kulay na walang kupas.


-- Lovely Lawas

3 comments:

Unknown said...

maganda ang tula, at sa tingin ko ay tula ito ng pagibig. pagibig na sa wakas ay dumating. pagibig na kay tagal hinintay. nagustuhan ko ung tula kasi kahit simple ay mararamdaman mong masaya ang may akda sa bawat salitang kanyang sinasabi. gusto ko rin ang rhyme(hehehe) -ralph raymond bayani Fil20 section C

jobie said...

Parang ipinapahiwatig ng tulang ito ang isang kwento ng isang tao, paulit ulit at walang pagbabago. Parang sanay na ang may akda sa ganitong buhay at bigla na lang may nagbago. Parang okay na sa may akda ang kanyang nakasanayan ngunit nung may dumating na pagbabago ay bigla na lang niyang naisip na may igaganda pa pala ang kanyang buhay. Parang nung una ay ang tingin niya sa buhay ay itim at puti lamang at hindi niya naisip na mayroong pang ibang pwede na mangyari sa kanya.

Joseph Benjamin Bombay-Fil20 C

Eurica Oraya said...

ok yung umpisa ng tula bagay sa kape na ang tanging halo ay tubig at asukal, simple lang, walang mabulaklak na salita ang ginamit para lang makaakit ng mambabasa, gumamit lang sya ng paghahalintulad, simple nga lang e at maiksi pa, ok na sana talaga kaso yung huling bahagi parang medyo pumalya hindi masyadong naging malakas yung dating nung huling linya..kung titignan yung kahulugan nung tula pwedeng sabihin na tungkol sya sa buhay na medyo naging paulit-ulit o routine na yung mga nangyayari tapos may biglang nagbago at naging maganda naman ang kinahinatnan nito, kaya pwedeng nais iparating ng may akda na dapat tayong maging handa sa pagbabago na maaaring dumating at hindi yung maging confined tayo sa kung ano ang alam natin o nakasanayan na..
-Rica Oraya
FIL20-C