Wednesday, February 6, 2008

KAMATAYAN

Ako'y dahon na nakalambitin sa sanga ng buhay;
Sumasabay sa indayog ng hangin;
Pinapainom ng ulan;
Araw ang nagbibigay-init;

Ngunit sa pag-agos ng panahon,
ang aking lakas ay lilipas;
Luluwag ang aking kapit
at tatangayin ng hangin sa kawalan.


-- Michelle Diana Lois H. Osias

1 comment:

aileen rosales said...

Maganda ang tula. Payak at madaling malaman kung saan ito patungkol. Kaunti ang mga pang-uri na ginamit at maraming pandiwa. Bagama't maiksi, makahulugan din naman.

Subalit mas maganda siguro kung hindi "Kamatayan" ang pamagat ng tula kundi "Dahon", sapagkat sa dahon naka-pokus ang tula. Para sa akin, ang dahon ay ang sinasabing "sumasabay sa indayog ng hangin". Nabanggit pa sa unang taludtod na "Ako'y dahon..", kung kaya nama'y malinaw na patungkol sa isang dahon ang tula. Ang "Kamatayan" o yung
piniling pamagat ng may-akda, ay iyong pagkalaglag ng isang dahon sa puno kung saan wala nang mapagkukunan pa ito nang lakas.


Ang tula ay tumatalakay sa buhay ng isang tao. Upang mabuhay, simple lang: kelangang kumain at uminom. Kailangan pati ng tao ng sikat ng araw para pagkunan ng enerhiya. Dahil dito, ang tao ay lumalaki, tumatanda, nagma-"mature", na para ring dahon na isang "living thing".