Wednesday, February 6, 2008

NAIS KONG MAKITA

Sa pagnamnam nitong mundong tigang,
gapang aking mahabang katawan.
'king pakiramdam init ng kalupaan,
nagbibigay kasaganahan.
Naisin ko mang pumaibabaw,
makita ganda ng kakahuyan
Ayaw makipagsapalaran,
sa mga ibon ayaw makipagdagitan.

O hayaan akong gumapang,
'wag halukayin sa isda ipain.
Hindi nyo ba alam ako'y masustansiya rin,
inyong lupa'y aanhin?
Tanging nais ko lamang,
magkaron ng layang aking sasarilinin.
Mahirap ba itong kamtin,
kasabay ng aking katawang lambutin?


-- Edilyn I. Guamos

No comments: