Wednesday, February 6, 2008

PALAMUTI

Makukulay na pinturang pamalat,
Maliliwanag at mapupungay na mga bintana,
Sinasabitan ng magagarbo at iba't ibang kurtina at dekorasyon
Na nagsisilbing palamuti sa mga bintanang niluma na ng panahon.
Ikinukubli ang mga tunay na dinarama ng kabahayan,
Sumilip ka at makikita mo,
Ang mga sikretong itinatago ng binatanang pinalilibutan ng mga palamuti.


-- Ricelda Donor

1 comment:

Unknown said...

Magandang gabi sayo.
Sa pagkatha ng tula ayon kay sir dumlao hindi kinakailangang gumamit ng mga pang-uri upang ipabatid sa iyong mga mambabasa ang gusto mong sabihin, kailangan mong iparamdam, ipakita, iparinig, ipatikim, at ipaamoy sa iyong mga mambabasa ang bawat bagay na gusto mong ipahiwatig at iparating.

Napansin ko sa iyong katha na marami kang ginamit na mga pang-uri na dapat iwasang gamitin upang maging epektibo ang iyong tula.

Suhestiyon lamang, sana sa susunod na gumawa ka ng tula, mas mainam na gumamit ka ng mga "action verbs" na magpapakilos sa mga bagay bagay upang makita at maranasan ng iyong mga mambabasa ang iyong tula..

salamat.
kailangang ko itong gawin(senxa na.T_T).

Katrina Nicolas