Wednesday, February 6, 2008

PALAY

Ako’y isang palay
Sa burak nakalagak
Sa lindol at bagyo
Sa peste at damo
Sikat ng araw aking kaagapay
Manatiling nakatinding
Ng may taas noo
Hanggang sa pagdating ng pagtutuos
Kalagkitan man o kabuhaghagan
Ito ay bunga ng aking pagsuong
Sa mga mga bangungot
Ng mga mumunti kong ani


-- Shirley Anne R. Gavia

1 comment:

arjayd29 said...

Hi Shin! Hahaha...

Magaling. Napakita mo ang emosyon na nadarama mo, ngunit hindi malinaw kung gaano ka-intense ang lungkot o yung nararamdaman mo. Mas maganda sana kung inilathala mo kung gaano kadumi ang kinalalagyan ng palay at hindi diretsong "burak" ang ginamit mong salita. Sunod, sana mas pinakita mo kung gaano kalakas ang "bagyo at lindol" na tinutukoy mo. Mas makikita kasi dun kung gaano ka-intense ang nararamdaman mo. Dagdag pa rito, sa sarili kong pananaw, hindi ko masyadong na-visualize yung sinasabi mo.

Hindi rin masyadong klaro ang relasyon mo sa "kalagkitan at kabuhaghagan".. Sa tingin ko, mas maganda kung sinoporthanan mo pa ito ng kahit isang linya man lang na magpapakita ng relasyon mo personally doon sa mga salitang yon.

Higit sa lahat, may mga pang-uri ka pa ring nagagamit na dapat iwasan sa paggawa ng tula dahil nakakabawas ito ng pagkakaroon ng imahinasyon ng mambabasa mo, hindi ko kasi personally naramdaman, naamoy, natiman at nakita ang tunay na nais mong maipadama sa iyong tula.

Maraming salamat! Hehe...