Wednesday, February 6, 2008

PARUPARO

Paggapang ang una kong kinagisnan
Mga sanga ng rosas ang aking naging unang palaruan
Hinayaan niyang kainin ko ang kanyang mga dahon
Bagama't batid kong hindi ito makabubuti sa kanya

Sabay sa unang pagkampay ng aking mga pakpak
Ang aking palarua'y unti-unting lumawak
Rosas, aking mahal, pagmasdan mo ang aking pag-indak
Inaalay ko ito sa 'yo, salamat.


-- Irene M. Tanciangco

1 comment:

Unknown said...

Hi! madaming magagandang tula sa site nyo pero napili ko tong tula mo dahil naakit ako sa title. wala namang kakaiba dito kaso mahilig kasi ako sa paru-paro.hehe! pero nagustuhan ko naman ung tula dahil simple lang siya pero may laman. simpleng mga salita lang ang iyong ginamit kaya mas madaling intindihin. sumunod ka din sa pinagagawa ni sir dahil ung paru-paro ang iyong ginawang bida at pinagsalita. Ilang ulit ko itong binasa at madami akong naisip na pwedeng iugnay dito dahil sinasalamin nito ang buhay. pweeng isiping buhay ito ng tao mula sa pagkabata na nakadepende sa mga magulang hanggang sa siya'y lumaki at ntutong tumayo sa sarili ngunit di pa din niya nalimutang magpasalamat sa mga magulang at mnakatulung sa kanyang paglaki. pwede din namang iugnay sa paglaya na hindi basta bastang makukuha. kelangan ng proseso at tiyaga sa paghihntay. kelangan din ng tulong ng ibang tao at amdami pang iba para lubos na makamit ang kalayaang hinihintay. nagustuhan ko ito dahil nagkaroon ako ng pagkakataong mag-isip at mabigyan ng iba-ibang iterpretasyn ang isang simpleng tulang ginawa mo.=)
-Hannah Ruth Arcenal