Wednesday, February 6, 2008

SARANGGOLA

Ako ay saranggola
Inuugoy ng hangin sa alapaap
Pinapaliguan ng sikat ng araw
Sa ibabaw ng madamong kapatagan.

Subalit mapapatid na ang tali ko
Sa hagupit ng dumadaang hangin
At di magtatagal sko ay sasabit
Sa sanga ng puno ay maglalambitin.


-- Ramon E. Labita Jr.

No comments: