Wednesday, February 6, 2008

SIGARILYO

Pagkagat ng dilim, nasilaw ako sa liwanag..
Liwanag na naging init, hanggang sa ako’y mapaso;
Ang hapdi.. nanunuot ito
Mula sa aking balat at tumatagos sa laman.

Pinilit kong iwasan subalit ako’y sinunggaban
Mula sa likuran; Isang mama
Ay hawak-hawak ako sa aking tagiliran
At nilalandi-landi ng dila niyang magaspang.


-- Marie Jeremy B. San Pedro

7 comments:

daltonerickbaltazar said...

Magandang gabi...

Sa ating mga aralin sa Fil20 tungkol sa pagkatha ng isang tula ay isiniksik sa ating mga kulot na utak na huwag gumamit ng mga pang- uring mahihina. Ito ang mga pang-uring hindi madaling maipaliwanag ng ating mga utak sapagkat marami itong pwedeng maging kaanyuan. Nakita ko sa iyong katha na marami ka pa `rin na ginamit na mga ganitong salita. Gaano ka kasilaw? Lumalabas na ba ang iyong mata o nagiging puti na ang pupil mo? Paano ka napaso? napigtal na ba ang ugat mo sa sakit nito? Walang kwestyon sa ibig sabihin ng iyong tula. Sana nga lang po ay gumamit ka ng mas agresibong mga salita.

Maraming Salamat.
Ito`y kailangang gawin.

Marie Jeremy B. San Pedro said...

Salamat sa iyong intelektuwal na pagkukumento. Naiintindihan ko ang gusto mong iparating at hindi ko nakakalimutan ang mga itinuturo ng ating guro sa atin.

Sa isang sigarilyo nakatuon ang paksa ng aking tula. Sa iyong palagay, kung maglalagay ako ng mata, pupil at ugat gaya ng iyong sinasabi ay isa pa rin itong sigarilyong maituturing? Sa paggawa ng tulang ito, ipinagsaalang-alang ko pa rin na pumasa ito sa literal na lebel ng tula kung kaya hindi ako nagbanggit ng kahit anong bagay na makakasira sa pagiging isang sigarilyo ng isang sigarilyo.

Minsan, malalaman ng isang mambabasa ang emosyon at nararamdaman ng isang bagay kung iisipin niya na siya ang bagay na iyon. Ibinabalik ko sa iyo ang tanong: Paano ka bang masisilaw kapag papalapit na nang papalapit ang apoy sa iyo? anong pakiramdam kapag ang isang parte ng iyong katawan ang nasilaban? sa puntong ito, naibahagi na rin sa mga mambabasa kung paanong maging isang sigarilyo - subalit yun ay kung gagamitin lamang natin ang kahit konti ng ating imahinasyon.

daltonerickbaltazar said...

Magandang gabi...

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngunit ang aking mga sinabi ay batay lamang sa mga panuntunang ating inaral sa klase. Ang punto ko po lamang ay ang pagpapakita ng mga pangyayari at hindi ang pagpapahipo lamang ng kahon kung saan nagyayari ang mga ito. Hindi ko po nilayon na ilagay mo sa iyong katha ang aking mga sinabi ngunit ang maglikha ka ng mga katulad na salita na tutumbok sa sigarilyong iyong papalabasin. Alalahin mong ikaw ang mag gagabay sa iyong mambabasa sa mensaheng gusto mong makuha niya at hindi basta na lamang.

Paumanhin.

patok sa takilya said...

wow, araw pa naman ng mga puso. pero sayang, di kayo talo. peace dalton!

magandang palitan ng ideya.

Marie Jeremy B. San Pedro said...

How Sex starts
Message: HOW SEX STARTS
Body: Read it all no CHEATING!

..a smile leads to a laugh

...a laugh leads to a high 5

...a high 5 leads to a hug

...a hug leads to a kiss

...a kiss leads 2 a makeout

...makeout leads to a feel up

...a feel up leads 2 a finger

...a finger leads to a hand

...a hand leads to a lick

...a lick leads to a suck

...a suck leads 2 a f*ck.

...So tell me how many people are you
gonna smile at after you heard this
cuz sex is like math.

...u add the bed

..subtract the clothes

...divide the legs

...leave your solution

...and pray you dont multiply

post this right after u read it,

something good will happen at 2:25
tomorrow.


Get ready for the biggest shock in
your life!!


Whoever breaks this chain will be
cursed with relationship problems 4-10
years.



If you post this in 15 mins, your safe.



Something good will happen tonight at
11:45

Marie Jeremy B. San Pedro said...

maybe i should use a screen name.



maybe.

crissielookah said...

salamat sa comment! sali kang writers club!