Wednesday, February 6, 2008

VANILLA ICE CREAM

I'm your ordinary vanilla ice cream in a freezer,
it's so cold here but still I'm having a fever.
I believed for so long that this is where I belong,
but now I just want somebody to take me home.
I'm no longer scared to melt away.
Just sprinkle me with your favorite topping,
if you must, but I hope you say
that you took a chance to get me, may I be ordinary
and for a short time, we forget our sad little story.


-- Ann Josell B. Vagilidad

1 comment:

Roxam Marie said...

Magandang hapon. Una sa lahat, gusto kong sabihin na maganda ang iyong pamagat na napili at kakaiba ito. Nakuha nito ang atensyon ko nung ito’y nabasa ko. Maraming magagandang tula sa site na ito pero ang tulang gawa mo ang napili ko dahil sa tingin ko ay mas magagamit ko ng husto ang pang-unawa ko sa pagsusuri ng tula dahil mukhang ito ay may malalim na damdaming ikinukubli.Payak lamang ang mga ginamit mong salita gayun din ag konstrukyon nito. Ito ay nagdulot ng kawalan ng impact samga mambabasa. Oo, alam ko ang nararamdaman mo at nais na iparating dahil na rin sa literal na kahulugan ng pangkalahatan. Napansin kong naging maingat ka sa pagpili ng mga salitang aangkop sa tugma at ito’y hindi naging epektibo. Hindi naging malaya ang iyong pagsusulat dahil hindi mo nailalabas ang tunay mong nararamdaman. Nawala ang iyong pokus at nahirapan kang maghatid ng iyong layunin.

Karagdagan pa ay hindi ko maunawaam ang relasyon ng mga huling linya sa simula. Naging malabo sa akin ang lahat. Para bang biglang nawala ang lahat ng naramdaman ko nung simula at natapos ito na walang naiwan na emosyon at kaisipan sa akin. Sa simula lamang ako nadalda ng tula ngunit sa kahulihan ay hindi na ako naantig. Tulad nga ng sabi ng gating guro na kadalasan ay nagiging mahirap sa atin ang pagapapatuloy ng pagsusulat ng isang tula at dapat na bumalik tayo sa simula at suriin ito upang hindi natin mailayo ang mensahe nito. Alam natin na isarin sa layunin ng isang tula ay ang magandang impresyon ng mga mambababsa at ang magiging kahalagahan at kapakinabangan nito sa totoong buhay.

Nahalata ko rin na hindi ka masyadoing gumamit ng mga pang-uri at mga mabubulaklak na salita at ito ang nararapat. Magaling ka at malawak ang iyong imahinasyon. Hindi lang talaga maiwasan ang mga pagkakamali at kailangang masuri ito Ito ang naging papel ko sa mga sandaling ito. Ito rin ay magsisilbing gabay sa iyo sa darating na panahon at lalo mo pang mapapaunlad ang iyong natatanging kakayahan sa paggawa ng tula.

Maraming salamat!