Thursday, February 14, 2008

pusong bato



photo by genoveva circa barcelo-regehr

IXORA

Ako ay bulaklak ng Santang tumubo

mula sa sangang nakaugat sa hukay

Sa lupang pinataba ng ‘di mabilang na kamatayan,

ako ay nabubuhay

Ako ay nabubuhay sa agos ng dugong

kahalo ng nasipsip na tubig

Ang dugo’y namalagi sa mga talulot kong sawi,

doo’y nanatili at ‘di na mapawi

Sa aking pagtayo sa mga gilid ng daanan,

ako’y nagmamasid sa sangkatauhan

Ang kanilang buhay, ‘di tulad ng akin,

puno ng kasiyahan at kalayaan

Kalayaang magtungo sa kung saan man,

walang hahadlang kahit sinuman

Kalayaang aking ninanais kamtan,

kanilang natatamasa sa kabila ng karungisan

Ang mga mumunting talulot ko’y unti-unting pinatutuyo

ng nagliliyab na araw

Habang ang tao’y nagpapakasasa

sa yamang umaapaw at nakasisilaw

Ako’y mananatili sa lupa, titingala sa langit,

maghihintay ng luha

Ako’y aasang sa apoy, kailanma’y hindi malalapit

nang hindi madarang

Ngunit ang aking katawa’y patuloy ang pagkatuyo

at pagkapanglaw

Tanging liwanag na lamang ang sa’kiy naididilig,

ang lupa’y natitigang

Liwanag din ng araw ang nagkukubli

sa lambot ng aking tangkay

Ang tangkay ay mapuputol

at masisira ng mga inosenteng kamay

Kamay ang hihila’t lalasap

sa tamis ng tubig ng aking buhay



Ma. Crystabelle Beraquit

Wednesday, February 6, 2008

GATAS AT KAPE

Sa isang tasa umiikot ang buhay
Ako na isang kape do'n nagkasaysay
Asukal at tubig ang aking kasama
Sa lasang tamang-tama ang timpla.

Isang araw na 'di ko inaasahan
Aking tagatimpla ako'y dinagdagan
Naging makrema dahil sayo, o gatas
At naghatid ng kulay na walang kupas.


-- Lovely Lawas

VANILLA ICE CREAM

I'm your ordinary vanilla ice cream in a freezer,
it's so cold here but still I'm having a fever.
I believed for so long that this is where I belong,
but now I just want somebody to take me home.
I'm no longer scared to melt away.
Just sprinkle me with your favorite topping,
if you must, but I hope you say
that you took a chance to get me, may I be ordinary
and for a short time, we forget our sad little story.


-- Ann Josell B. Vagilidad

SIGARILYO

Pagkagat ng dilim, nasilaw ako sa liwanag..
Liwanag na naging init, hanggang sa ako’y mapaso;
Ang hapdi.. nanunuot ito
Mula sa aking balat at tumatagos sa laman.

Pinilit kong iwasan subalit ako’y sinunggaban
Mula sa likuran; Isang mama
Ay hawak-hawak ako sa aking tagiliran
At nilalandi-landi ng dila niyang magaspang.


-- Marie Jeremy B. San Pedro

LIGAW NA BAGING

Ako'y isang ligaw na baging na kakapit
sa iyong sanga,
at gagapangin ang ituktok ng iyong mga dahon.
Tatakluban ng aking maninipis na katawan
ang liwanag mula sa araw.
Aagawin ng munti kong ugat
ang sustansya mula sa lupa.
Hihigpitan ko ang kapit,
ibabaon pang lalo ang mga ugat,
sagad sa iyong katawan.
Parurupukin kita at dudurugin
ang nababakbak mong balat.

Di na muli akong gagapang sa lupa.


-- chris lanzaderas

PARUPARO

Paggapang ang una kong kinagisnan
Mga sanga ng rosas ang aking naging unang palaruan
Hinayaan niyang kainin ko ang kanyang mga dahon
Bagama't batid kong hindi ito makabubuti sa kanya

Sabay sa unang pagkampay ng aking mga pakpak
Ang aking palarua'y unti-unting lumawak
Rosas, aking mahal, pagmasdan mo ang aking pag-indak
Inaalay ko ito sa 'yo, salamat.


-- Irene M. Tanciangco

RELIEF

Glory comes in waves.
I let my sands of fear be washed
towards the sea of undoubt
It is like dancing the reggae
after the crashing of waves at shore:
I am high
from the ecstasy
of seeing waters recede,
bringing along with it the weight of my beach.
I lie on the sand newly brought in
and they are from other beaches, other shores,
and are lighter, happier than my sands.
I can dance all night for my fears are being washed away
and calm takes its place.
Aloha.


-- Christianne Joy Tan

DAHON

Ihip ang hangin,
Tuluyan akong tangayin,
Dahon na nakahandusay sa lupa,
Na tila inabanduna.

Heto ako ngayon,
Kapiling ang hangin,
Halos maabot ang langit,
Nalimot ang sinapit.


-- Lota Pagkaliwangan

SARANGGOLA

Ako ay saranggola
Inuugoy ng hangin sa alapaap
Pinapaliguan ng sikat ng araw
Sa ibabaw ng madamong kapatagan.

Subalit mapapatid na ang tali ko
Sa hagupit ng dumadaang hangin
At di magtatagal sko ay sasabit
Sa sanga ng puno ay maglalambitin.


-- Ramon E. Labita Jr.

NAIS KONG MAKITA

Sa pagnamnam nitong mundong tigang,
gapang aking mahabang katawan.
'king pakiramdam init ng kalupaan,
nagbibigay kasaganahan.
Naisin ko mang pumaibabaw,
makita ganda ng kakahuyan
Ayaw makipagsapalaran,
sa mga ibon ayaw makipagdagitan.

O hayaan akong gumapang,
'wag halukayin sa isda ipain.
Hindi nyo ba alam ako'y masustansiya rin,
inyong lupa'y aanhin?
Tanging nais ko lamang,
magkaron ng layang aking sasarilinin.
Mahirap ba itong kamtin,
kasabay ng aking katawang lambutin?


-- Edilyn I. Guamos

SUROT

Ako ay surot na lagi ng nakasingit
Sa kasuluk-sulokan ns kutson.
Mahilig akong pumunta sa lugar na hindi ako tanggap.
Ngunit sa aking pagpilit, ako ay may kalalagyan,
Hanggang sa ikaw ay mabwisit
Balat mong mala-porselana
Aking kakagatin
Hanggang pantal ay lumitaw
Sa iyong pagkamot.
Ngunit yun lamang ang tangi kong magagawa
Kung ako man ay iyong masaktan.
Wala akong ibang hangarin kundi ang sumiksik
Sumiksik sa lugar na marumi.
Kung ako man ay iyong gustong umalis,
Ipagpag mo ang iyong kutson
Hanggang sa ako ay tumalsik.
O di namn kaya ay ibilad ko sa bubong.
Kung ikaw ay tatamad-tamad,
Hanbang buhay tayong magkasama.


-- Fajardo

BELO ESSENTIALS WITH DERMLIGHT SKIN SYSTEM BODY BAR

Malabato mo akong pakawalan mula sa pagkakakahon
Dinurog na Jasminium namnamin sa aking pag- ahon
Seda’y damhin sa marahang pagdampi
Papawiin ko ang dibuhong sakdal gaspang at dumi

Kakambal ko ang tubig dito sa paglalakbay
Ibubuga ang kumpol ng sagong sa hangi’y sasabay
Araw- arawin itong pagdadaupan
Bukas, makalawa’y lusaw na ‘kong dadatnan


-- Joald Calpo

ANG PAWIS

Tinahak ang marumi mong katawan
Dinilaan kahit mga sulok na may kailaliman
Gapang ko sa silangan o kanluran
Papatak na lang ang pawis sa kung saan-saan.
Nanghihina’t nanginginig taong kinakapitan
Alat ko ba’y di mo makayanan?
Pag-inom, ginhawa’y naramdaman
Bakit nga ba, ako’y papalitan?


-- Paul Jasper R. Zipagan

SUPOT NG SM

Di mapagkaiba ang kulay namin,
ang langit at ako na lumilipad sa hangin
Winawasiwas ang dalwa kong hawakan,
dito, doon, kahit san, walang pakundangan

Panoorin mo ang aking sayaw na malikhain
Tila umaagos na tubig sa dagat na malalim
kasabay na nakikita ang liwanag sa mga ulap
Mga pangyayaring lagi kong hinahanap.


-- Tristan Josef R. Torres

REHAS NA BAKAL

Ako ay rehas na bakal
wala man lang bakas ng kamay ninuman
lamig na nanggagaling sa kaibuturan
ang tangi kong nararamdaman

ako ngayo'y kinakapitan
ng kalawang na sa aki'y unti-unting nagtatanggal
sa tanging pader na aking kinakakabitan
ano na kaya ang aking kahihinatnan?


-- Mark Thomas N. Singson

BULKAN

Ako'y nagising na naman
Poot sa dibdib ay muling nasindihan
Topak ng pagising ay ay di mapigilan
Nagagalit sa kahit sino ng walang kadahilanan

Mga damdaming namuo sa aking pagtulog
Nais pakawalan, itapon sa malayo
Aking sinigaw, aking dinabog
Pinakawalan ang mga 'to mula sa aking puso

Ng matapos ang paghuhuramentado
Pakiramdam ay biglang nagbago
Kapaguran at antok ay biglang nanaig
Muling pagtulog, mahimlay ay aking ibig.


--Ralph Roa

KAMATAYAN

Ako'y dahon na nakalambitin sa sanga ng buhay;
Sumasabay sa indayog ng hangin;
Pinapainom ng ulan;
Araw ang nagbibigay-init;

Ngunit sa pag-agos ng panahon,
ang aking lakas ay lilipas;
Luluwag ang aking kapit
at tatangayin ng hangin sa kawalan.


-- Michelle Diana Lois H. Osias

PALAY

Ako’y isang palay
Sa burak nakalagak
Sa lindol at bagyo
Sa peste at damo
Sikat ng araw aking kaagapay
Manatiling nakatinding
Ng may taas noo
Hanggang sa pagdating ng pagtutuos
Kalagkitan man o kabuhaghagan
Ito ay bunga ng aking pagsuong
Sa mga mga bangungot
Ng mga mumunti kong ani


-- Shirley Anne R. Gavia

PALAMUTI

Makukulay na pinturang pamalat,
Maliliwanag at mapupungay na mga bintana,
Sinasabitan ng magagarbo at iba't ibang kurtina at dekorasyon
Na nagsisilbing palamuti sa mga bintanang niluma na ng panahon.
Ikinukubli ang mga tunay na dinarama ng kabahayan,
Sumilip ka at makikita mo,
Ang mga sikretong itinatago ng binatanang pinalilibutan ng mga palamuti.


-- Ricelda Donor

BATANES

Sa malayong mga pulo,
Minsan ika'y napadpad
Matatawag nga bang paraiso
Kung laman ng walet mo'y nasagad.

Hindi dapat manghinayang
Sa kakaunting barya
Kung kapalit naman nito'y
Paraiso namang talaga.

Buhangin kong kislap ay parang dyamante,
Mga tahana'y gawa pa sa adobe.
Mga taong kay bait, wala kang masasabi,
Lugar na tahimik, 0% ang crime rate.


-- kyle cielo

BANGKA-BANGKAAN

Masdan niyo ang dahon ko: matulis, malapad, mahaba,
Animo’y espada, nguni’t manakot ay ‘di man lang kaya.
Ako’y kakaibang halaman dahil sa pambihirang kulay,
Purong luntian ang ibabaw; sa ilalim purong lila naman.


Pandak lamang ako, marahil ‘di na tataas pa sa tuhod mo.
‘Ni hindi man lang kakitaan ng bulaklak na mababango.
Subali’t halamang ornamental pa rin ang aking saysay,
Higit pa ro’n, ako’y pangunahing espesimen sa BioSci!


-- Criselda B. Castor

DIARRHEA

Ako ang kilig
na nagpapatindig ng balahibo,
ang damdaming
nagpapangimay ng laman
at nagpapabuhol ng bituka.
Ako ang dahilan
ng pagpapawis ng kili-kili
sa kabila ng malamig na hangin ng Nobyembre.


-- Roderica L. Banez

Hangin

Hindi mo man makita
Alam mong ako'y nandyan
Ika'y binabantayan,
Iniingatan at sinusulyapan

Sa bawat pag ngiti
Ikaw ay aking minimithi
'di mo man pansin
Ikaw ang nagbibigay halaga sa akin


-- Miriam P. Aquino

Tasa

Ang pawis mong palad ang unang humawak saakin
Naglaro ang mahaba mong daliri saaking maputing balat
Unti-unting lumapit ang iyong ma-tigyawat na mukha
Amoy sibuyas ang iyong hininga pero wala akong pakialam
Nagdikit ang gating labi at tayo ay naghalikan sa gitna ng kwarto
Nilabas mo ang maikli mong dila at hinogop ang lahat ng init ko
Naubos ang aking laaman, akoy’ iniwang tuyo
Wala akong magawa kundi panoorin kang maglakad palayo
At maghintay ng iyong pagbalik sa pagsikat muli ng araw


--Paolo de Villa

Monday, February 4, 2008

BASAHIN, TUMAWA at HIGIT SA LAHAT-IPASA!

(test post lang)



Street Vendor : "bili na kayo ng relo! gold watch ito!
pag namuti, white gold!
pag huminto stopwatch!"

gf : hu hu hu hu bakit natin ginawa ito? hindi na ako virgin at dalawang beses pa natin ginawa!
bf : ano? isa lang ah?!
gf : bakit, hindi na ba natin uulitin mamaya?!

Couple talking:
wife : hon, paki fix naman ilaw sa labas.
husband : hello!? electrician ba ako?
wife : eh di pkigawa na lang hagdan natin.
husband : hello!? karpintero ba ako?
umalis c husband, pagbalik gawa na lahat ng sira sa
bahay. tinanong niya wife kung sino gumawa ng trabaho.
wife : kasi kanina a man saw me crying, sabi ko dami
sira dito sa bahay. so he offered to help in exhange of either sex
or bake ako ng cake.
husband : so pnag-bake mo siya ng cake?
wife : hello?! baker ba ako?!

ANG MARRIED LIFE....
May isang intsik na sa sobrang hilig sa karaoke ay
inabot ng 5 am.
Dahil sa takot mabugbog ni misis, nag-text ng:
"HUWAG KA BAYAD RANSOM. NAKATAKAS AKO. UWI NA KO!"

Husband: "Paratina lang tayo away! Maghiwalay na lang tayo!"
Wife: "Sige, maghati tayo ng mga anak!"
Husband: "Akin ang mga guwapo at maganda!"
Wife: "Sus! Pinili pa yung hindi kanya!"

Sa harap ng nursery window;
Friend: Pare, pag laki ng anak mo, am sure magaling mag-drive
Dad: Bakit, pare, malaki ba ang kamay?
Friend: Hindi. Kasi kamukha siya ng driver ninyo!

Husband came home from church, suddenly lifted his wife
and carried her.
Wife: Why? Did the Pastor tell you to be romantic like this?
Husband: No! He told me to carry my cross!

Friend: "Wow, pare, ganda ng sapatos mo, ah!"
Husband: "Oo. Surprise gift ng kumare mo!"
Friend: "Surprise? Ano occassion?"
Husband: "Wala. Nakita ko na lang sa ilalim ng kama namin kagabi!"

Health Advisory: "Beer contains female hormones, and can
turn men into women.
After 5 pints.... men become talkative, unreasonable,
irritable, cry for nothing, and urinate while sitting!"

WIFE: I'm warning you! Parating na husband ko in 1 hour!
HANDSOME VISITOR: Wala naman akong ginawang masama ah?
WIFE: kaya nga! kung may balak ka, GAWIN MONA!!!

WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO
HELL", kaya ito uwi agad ako..

Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na
to, let's make love.
Husband: Heh! tumigil ka nga. Maaga pa akong gigising
bukas, buti ikaw, hindi na.

HE HE HE HE !!!!

Population policies of countries:
: China Stop at 1 child.
Singapore : Stop at 2 children
Phil: STOP AT 4 A.M.!

RUSSIAN: we're 1st in space
USA : we're 1st in the moon
ERAP: we'll be the 1st in the sun
USA: you can't go there, you'll burn
ERAP: we're not stupid, we'll go there at NIGHT!

Ano kadalasan ang sinasabi kapag nautot?
American: Excuse me.
British: Pardon me.
Pinoy: NOT ME!


"SUMPA"
Hindi na makakatikim ng napakasarap na 'Sex' ang huling
bumasa nito!
Ayos safe na ako...papayag ka bang IKAW ang huling
babasa nito?
hehehe!!!