Wednesday, February 6, 2008

DAHON

Ihip ang hangin,
Tuluyan akong tangayin,
Dahon na nakahandusay sa lupa,
Na tila inabanduna.

Heto ako ngayon,
Kapiling ang hangin,
Halos maabot ang langit,
Nalimot ang sinapit.


-- Lota Pagkaliwangan

4 comments:

maricris madeja said...

Ang may akda ng tula ay parang may kalungkutang dinadanas. Pero sa kabilang banda, nagawa pa rin niyang malagpasan ito. Parang ang mga emosyong nakapaloob sa tula ay galing sa ismong karanasan niya at nararamdaman.Maaari rin naman na malawak lang talaga ang imahinasyon ng sumulat sa tula.
Kung susuriin ang nilalaman at mensahe ng tula malalaman natin ang malaking koneksiyon nito sa buhay ng tao. katulad ng dahon, dahil sa ihip ng hangin ay bumitaw io sa tanging sanga na kinakapitan niya at nagmistulang mapag-isa habang nagpapatangay lang sa ihip ng hangin.
Para sa akin, ang hangin ang sumisimbolo sa problema ng mga tao. Maari tayong bumagsak tulad ng isang dahon ngunit kung nanaiisin ay maaari rin tayong magpakatatag. Sa huli, makikita natin ang magandang dulot sa atin ng problema. Mas nakikita natin ang ganda at ang katuturan ng buhay. Kapag natuto na tayong tignan ang liwanag sa bawat problema, malilimutan din natin na minsan ay pinahina ng paroblema ang ating pagkapit ngunit matututo naman tayo na magpakatatag at sumunod sa agos ng buhay.
Simple man at madaling maintindihan ang mga salitang sinamit ng gumawa ng tula, parang napakalalim naman ng kanyang mensahe.
Maganda ang kabuuan ng tula. Pero nagmistulang bitin. Parang may gusto pa siyang iparating pero naputol ito at nagmistulang kulang ng dalawang taludtod para mabuo ang pinaka-diwa ng tula at kabuuang mensahe.
Maayos din ang pagkakasunod-sunod at pagkakabit ng mga mensahe sa tula. Madali akong akabuo ng imahe base sa kanyang paglalarawan sa nangyayari sa isang dahon.
Nagustuhan ko naman ang tula kaya ito ang pinili ko. Madali itong maintindihan.


MARICRIS P. MADEJA
FIL20-C

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
albert puncia said...

para sa akin, mganda yung tula. parang naramdaman ko na umiihip ang hangin sa tenga ko habang binabasa ko yung tula.kahit na maikli lamang ang tula, naramdaman ko kung paano maging dahon.

tungkol sa deeper meaning naman ng tula, parang may pinaghugutan yung my akda sa paggawa niyong tula. ang interpretasyon ko kasi ay parang iniwan ng kanyang mahal ang isang tao subalit nakahanap ito ng panibagong lakas na muling dadalhin siya sa langit.nice

Rico Flosa said...

Bagama't maikli lamang ang tula, naiparamdam ng may akda ang kanyang saloobin. Sa paggamit ng dahon, mas naging epektibo ang mensaheng kalungkutan na nais nyang iparating.

Marami din siyang mga salitang ginamit na nagpapakita ng kalungkutan tulad ng inabanduna, nakahandusay at nalimot. Ang kasimplehan at pagiging deretso ng tula ay nakatulong sa kabuuang pagpaparating ng may akda ng mensaheng pagiging malungkot at nagiisa. Isa pang interpretasyon ko sa tula ay may relasyon sa pag-ibig. Kung babasahin mo ay parang iniwan siya ng kanyang sinisinta at sa pag-iwan, ay mas sumaya pa siya na inihalintulad niya sa halos pag-abot sa langit na tumulong din para malimot niya ang sinapit na kasawian.

Ang tulang ito ay tunay na nakakaenganyong basahin dahil simple pero malakas ang tama.

Rico Anthony Flosa
FIL20 - C