Wednesday, February 6, 2008

LIGAW NA BAGING

Ako'y isang ligaw na baging na kakapit
sa iyong sanga,
at gagapangin ang ituktok ng iyong mga dahon.
Tatakluban ng aking maninipis na katawan
ang liwanag mula sa araw.
Aagawin ng munti kong ugat
ang sustansya mula sa lupa.
Hihigpitan ko ang kapit,
ibabaon pang lalo ang mga ugat,
sagad sa iyong katawan.
Parurupukin kita at dudurugin
ang nababakbak mong balat.

Di na muli akong gagapang sa lupa.


-- chris lanzaderas

5 comments:

crissielookah said...

waw...

naka-post ang tula ko...

asteeg...

Marie Jeremy B. San Pedro said...

di to pang critic ha.....

hehe.. ang ganda ng tula.. pang writer's club ka nga kuya!

roda banez said...

magaling.. =)

crissielookah said...

waw! salamat sa mga comments niu...

pinalaki niu ang puso ko...

super inspired na ako...

=)

Bunso said...

ui kuya... ako yung kinomentan mo sa talsik ng mantilkya.. hehe.. klasmeyts tau sa fil20 B.. naligaw lng ung tula ko dun!! ewan ko kung bakit, pero nakapost din di2 ung tula.. wahehe.. tnx sa comment. ;)


Michelle Osias a.k.a. Bunso