Wednesday, February 6, 2008

REHAS NA BAKAL

Ako ay rehas na bakal
wala man lang bakas ng kamay ninuman
lamig na nanggagaling sa kaibuturan
ang tangi kong nararamdaman

ako ngayo'y kinakapitan
ng kalawang na sa aki'y unti-unting nagtatanggal
sa tanging pader na aking kinakakabitan
ano na kaya ang aking kahihinatnan?


-- Mark Thomas N. Singson

No comments: