Wednesday, February 6, 2008

BULKAN

Ako'y nagising na naman
Poot sa dibdib ay muling nasindihan
Topak ng pagising ay ay di mapigilan
Nagagalit sa kahit sino ng walang kadahilanan

Mga damdaming namuo sa aking pagtulog
Nais pakawalan, itapon sa malayo
Aking sinigaw, aking dinabog
Pinakawalan ang mga 'to mula sa aking puso

Ng matapos ang paghuhuramentado
Pakiramdam ay biglang nagbago
Kapaguran at antok ay biglang nanaig
Muling pagtulog, mahimlay ay aking ibig.


--Ralph Roa

3 comments:

chalkleight said...

Ito yung nabanggit sa Fil20 na klase ng tula na "maraming sinasabi".

oo nga at nailagay mo ang mga pandiwa na may kaugnayan sa isang bulkan pero nagkulang ka sa "intensity".

Sa paggamit mo ng mga salita,mas naging conscious ka sa rhymes sa bawat dulo ng lines..sana pumili ka ng ibang salita na may mas dating at bigat.

sa tingin ko mas magiging ayos 'to kung naging mas malaya ka sa pagsulat at kung mas naging catchy yung first line mo.medyo dull kasi.

hmm..tapos hindi detalyado.yung buong bulkan, ang laki nun ah..sana nag-focus ka kunwari sa tunog ng pagsabog..err..yun, wala akong narinig.although sa lines na "Aking sinigaw, aking dinabog" nag-try ka magparinig, kulang e..parang..ano yung isinigaw mo??

kung sa kwento, nagkulang ka sa climax..ang haba kasi nung intro..

yun lang.

chalkleight said...

Sir, Shara pala 'to ng section C..=D eto yung reaction ko.

Happy Valentine's Day sa lahat!!!

marylet said...

Sa tulang ito, naramdaman ko naman ang emosyon na gustong ipakita ng nagsulat nito. Sa una, hindi ko pinansin ang pamagat ng tula. At dito ko napansin na ang tula ay puno ng aksyon. Lahat ng aksyon ng bulkan ay inihalintulad nya sa kinikilos ng tao. Mas nakita ko ang paglalarawan nya sa tao kaysa sa bulkan. Sa palagay ko, nailagay naman nya ang sarili nya sa katauhan ng isang bagay at ito nga ay ang bulkan. Ang tula ding ito ay naging maingat sa kanyang mga salitang ginamit. Naging tila akma ang lahat ng salita sa emosyong gustong ipakita nito. Napansin ko rin ang pagtutugama nya ng mga huling salita sa bawat linya ng saknong. At sa bahaging ito ng pagsusuri, tila hindi sya naging malaya na iparating ang kanyang tunay na nararamdaman.
Sa kabuuan, nagustuhan ko ang tula, may ilan lang mga puna sa mga salita nyang ginamit tulad ng “paghuhuramentado” na isang salitang matindi ang emosyon. Pero may salita din naman na medyo katamtaman lang dating tulad ng “topak”. Parang hindi naging “consistent” ang emosyon ng tula. Hindi nya pinadaloy ang matinding aksyon na gusto nyang ipakita. At sana rin nagkaroon ng konting dating ang pamagat nito. Sana mas nailarawan nya ang bulkan, kung gaano ito kalaki, kaaktibo at saan ito maaaring matagpuan.
-Marylet Ilagan, FIL20-C